MMDA, magtatayo ng motorcycle riding academy

MMDA, magtatayo ng motorcycle riding academy

PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtayo ng motorcycle riding academy sa Metro Manila.

Ito ay upang mabawasan ang motorcycle-related accidents at gawing mas ligtas ang mga kalsada.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA acting Chairman Atty. Don Artes na ang motorcycle riding academy ang magbibigay sa mga motorcycle riders ng kinakailangang riding at basic emergency response skills.

Sa ilalim ng proyekto, lilikha ang MMDA ng technical working group para sa pagbuo ng motorcycle safety training course module na magbibigay sa mga baguhan at experienced riders ng proper training at basic knowledge.

Gaya anila ng iba’t ibang uri, characteristics, basic parts, basic control at operation ng motorsiklo; iba’t ibang road safety laws, rules and regulations, kinakailangang driving skills kung paano maiiwasan ang mga mapanganib na sitwasyon at pag-unawa sa risk awareness at risk taking.

Inaasahang magiging operational ang academy sa unang bahagi ng 2023 kung saan proposed location ay sa bakanteng property ng Government Service Insurance System (GSIS) sa kahabaan ng Julia Vargas Avenue corner Meralco Avenue, Pasig City.

Papasok naman ang MMDA at GSIS sa isang memorandum of agreement para sa paggamit ng property.

Ang training ay bukas sa lahat ng participants ng libre at makatatanggap din ang mga ito ng certificates upon completion ng lectures, practical application, at basic emergency response.

Follow SMNI NEWS in Twitter