MMDA, mas paiigtingin ang serbisyo publiko sa tulong ng donasyong sasakyan

MMDA, mas paiigtingin ang serbisyo publiko sa tulong ng donasyong sasakyan

MAS mapapabilis ang paghahatid ng serbisyo publiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa tulong ng donasyong sasakyan mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc.

Sa isinagawang seremonya, nagpaabot ng pasasalamat ang ahensya sa pangunguna ni MMDA chairman Atty. Don Artes sa mga opisyal at kinatawan ng PSMBFI para sa donasyong Ford Ranger.

Kinilala rin niya ang patuloy na suporta ng organisasyon sa mga layunin ng ahensya sa pamamahala ng kaayusan at kaunlaran sa Metro Manila.

Ang nasabing donasyon ay simbolo ng kanilang pasasalamat at suporta sa MMDA sa walang-sawang paglilingkod nito sa publiko ayon kay PSMBFI President at CEO Michael John Dubria.

Ayon pa kay Dubria, batid nila ang mga panganib na kinakaharap ng mga kawani ng MMDA araw-araw bilang mga public safety practitioners.

Aniya, hindi lamang ito simpleng trabaho, kundi isang tapat na paglilingkod sa bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble