MMDA, mas pinaigting ang operasyon sa EDSA Busway lane

MMDA, mas pinaigting ang operasyon sa EDSA Busway lane

MAS pinaigting ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang operasyon sa EDSA Busway lane sa ilalim ng bagong lunsad na Special Operations Group-Strike Force.

Ito ay sa pangunguna ng bagong Overall Head, Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas at Deputy OIC Gabriel Go.

Ito ay restructure lamang ng New Task Force Special Operations at Anti-Colorum Unit na pinangunahan noon ni suspended Col. Bong Nebrija.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang panghuhuli ng MMDA sa mga motorista na ilegal na dumaan sa EDSA bus lane.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter