MMDA, muling ininspekyon ang ilang flood control facilities

MMDA, muling ininspekyon ang ilang flood control facilities

KASUNOD ng malakas na ulan sa Metro Manila, pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority MMDA Chairman Benhur Abalos ang pag-inspeksyon sa flood control facilities.

Ito’y sa layong matugunan ang problema sa baha ng ilang flood control facilities sa San Andres pumping station sa Dr. M. Carreon Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Abalos, malaking tulong ang naibibigay ng mga pumping station lalong lalo na sa panahon ng bagyo at tiyak na maraming basura ang makukuha.

Sa ngayon, nasa kabuuang 67 pumping station ang mayroon sa Metro Manila habang 20 pumping station naman ang kasalukuyan ng ginagawa at target itong matapos hanggang 1-4 taon.

Kabilang sa 20 panibagong pumping station ay ang Cutcut sa Pasay, Romualdez sa Manila, Maytunas at Buhangin sa Mandaluyong, Casili sa Caloocan, Ilugin river sa Pasig, Isla sa Valenzuela.

Kabilang naman sa Quezon City ang Damayang Lagi, Doña Imelda, Del monte, Kalusugan, Mariblo, Masambong, Matalahib-talayan, Progreso, Roxas, Sobrepena, Sta. Cruz, Talayan at Tatalon.

Ani Abalos, mayroon na itong nakalaan na pondo at hinihintay na lang ang bedding para masimulan na ito.

Aniya, isa sa kanilang ginagawang hakbang ay alamin ang mga  lugar na may bara at agad itong lilinisan.

Kasabay nito, nanawagan si MMDA Chair Abalos sa publiko na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura at sa susunod na araw ay magkakaroon na ng marshalls na kung kinakailangang hulihin ang mga nagtatapon ng basura.

Ang nasabing mga pumping station ay hindi lamang ginagamit sa pagbaha pero ang pinakamahalaga dito ay ang kalidad ng tubig na malinis at walang bacteria.

Massive information campaign hinggil sa tamang pagtapon ng basura, ikakasa ng MMDA

Samantala, ikakasa ng MMDA na magkaroon ng massive information campaign hinggil sa tamang pagtatapon ng basura na isa rin sa suhestiyon ni  Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones.

Magsagawa naman ng community service ang sinumang mahuhuling lumalabag.

Ayon kay Abalos, nais nitong ipabatid sa publiko ang hirap sa paglilinis ng mga canal o estero.

Maliban sa community service, maari ring patawan ng multa o pagkakakulong ang mga iresponsable sa kanilang mga basura.

Panawagan ng MMDA Chair, tigilan na ang maling pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

SMNI NEWS