NAGLUNSAD ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “I Love Metro Manila” advocacy.
Inihayag ni MMDA Chairman Benjamin Abalos Jr., na layunin nitong (I Love Metro Manila) na magpakita ng moral support sa 13 milyong residente ng Metro Manila na bumabangon mula sa pagkakalugmok sanhi ng COVID-19 pandemic.
Bukod pa rito, ginawa rin ito upang lalo pang mapalakas ang inisyatibo para sa pagbabago ng Metro Manila para mas lalong maging makakalikasan, maayos at mas madaling maka-ahon ngayong new normal.
Ani Abalos, ito ay isang united pandemic response ng 17 na mga Local Government Unit (LGU) ng Metro Manila.
Dagdag pa ni Abalos, kabilang sa adbokasiya na ito ang adopt-a-park project kung saan mas lalo pang pagagandahin at padadamihin ang mga halaman at puno ng mga parke sa Metro Manila.