NAGPADALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 50-man team para tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.
Ang grupo ay binubuo ng 30-kataong clearing team at 20-kataong search and rescue team, dala ang 40 solar-powered water filtration systems, isang aluminum na bangka, 2 engine-operated rubber boats, 20 maliit na fiberglass boats, 1,000 life vests, 6 na chainsaws, modular evacuation tents, at gamot para sa leptospirosis.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, ang clearing team ay tututok sa pagtanggal ng mga debris na nagbabara sa mga kalsada upang maibalik ang daanan, habang ang search and rescue team ay magsasagawa ng water search and rescue operations sa mga lugar na lubog sa baha.