MMDA, nais lagyan ng exclusive bus lane, tunnel ang Commonwealth Ave.

MMDA, nais lagyan ng exclusive bus lane, tunnel ang Commonwealth Ave.

IMINUNGKAHI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon na rin ng exclusive bus lane sa Commonwealth Avenue.

Nais din nila na magkaroon ng underground tunnel para maresolba ang traffic congestion dito na ayon sa datos ay dinadaanan ng 18K sasakyan bawat araw.

Pareho anila ang mungkahing ito sa EDSA busway.

Sa ngayon naman habang pinag-aaralan pa ang naturang mga suhestiyon ay ipinapatupad na ng MMDA ang exclusive motorcycle lane policy sa Commonwealth Avenue.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble