MMDA, nakapagproduce na ng higit 35-K eco-brick mula sa basura

MMDA, nakapagproduce na ng higit 35-K eco-brick mula sa basura

HIGIT 35,000 na eco-brick ang nagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa basura.

Ayon sa MMDA na simula noong Abril 2021 hanggang Setyembre 2022, marami na ang nagawang by-products ng Solid Waste Granulator at Brick-Making Facility na nasa Vitas Pumping Station sa Tondo, Maynila.

Nasa 35,461 piraso na ng eco-bricks ang nabuo na ginagamit sa mga walkways; 2,999 piraso naman ng concrete hollow blocks na ginagamit sa mga pasilidad ng MMDA, at 91 piraso ng concrete barriers na nakapuwesto sa mga pangunahing lansangan.

Ang Solid Waste Granulator at Brick Making Facility ay bahagi ng inisyatibo ng MMDA bilang suporta sa Metro Manila Flood Management Project na may layuning mabawasan ang mga pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga solid waste sa mga daanang tubig.

 

Follow SMNI News on Twitter