MMDA, nilinis ang gagawing alternatibong ruta sa pagsasara ng Edsa-Timog Flyover

MMDA, nilinis ang gagawing alternatibong ruta sa pagsasara ng Edsa-Timog Flyover

NILINIS na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang gawing alternatibong ruta ng apektadong motorista sa pagsasara ng Edsa-Timog Flyover.

Inalis ng MMDA ang mga ilegal na nakaparada sa kalsada na magiging sagabal sa daloy ng trapiko.

Pinayuhan din ang mga drayber ng pampublikong sasakyan na bawal pumarada o humarang sa kalsada.

Sinabi ng MMDA na mapabibilis at magiging ligtas ang magiging alternatibong ruta kung maayos na susunod ang mga motorista sa inilatag na panuntunan.

Follow SMNI NEWS in Twitter