MMDA officials, nakipagpulong sa mga jeepney operators

MMDA officials, nakipagpulong sa mga jeepney operators

NAKIPAGPULONG si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Atty. Romando Artes at General Manager ret. P/Col. Procopio Lipana sa mga jeepney operators bilang bahagi ng konsultasyon sa kanilang hanay.

Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang single ticketing system, at loading and unloading sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa MMDA, nangako si Artes na diringgin ang suhestyon ng mga jeepney operators pagdating sa multa sa panukalang single ticketing system.

Sinabi rin ng opisyal na kapag maayos na mai-rollout ang nasabing sistema sa Metro Manila ay maaari din itong maipatupad sa buong bansa.

Binigyang-diin din ni Artes na tuloy ang mga designated jeepney lanes and stops sa Commonwealth Avenue at inuumpisahan na ang paglalagay ng lane markings at signages para hindi magdulot ng kalituhan at aksidente sa lugar.

Nangako naman si Lipana na didisiplinahin niya ang hanay ng MMDA enforcers at hinikayat ang mga transport leaders na i-report ang mga nangongotong na tauhan ng ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter