PLANONG i-update ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Oplan Metro Yakal Plus o ang polisiya hinggil sa pagresponde sakaling mangyari ang malakas na pagyanig sa Metro Manila.
Hindi pa ibinahagi ng MMDA kung ano ang detalye sa kanilang naging pagpupulong kasama ang Office of Civil Defense (OCD) subalit isa sa mga natalakay rin nila ang risk assessment sakaling magkaroon ng tsunami kung tatama ang kinatatakutang 7.2 magnitude na lindol.
Sa pag-aaral, posibleng nasa 31K katao ang mamatay kung mangyayari ang lindol na kung tawagin ay ‘The Big One’.
Ang ‘The Big One’ ay tinatayang mangyayari kung gagalaw ang West Valley Fault.
Binabagtas naman ng West Valley Fault na huling gumalaw noong 1658 ay ang Marikina, Quezon City, Pasig, Taguig, at Muntinlupa.