MMDA, puspusan ang clearing operations bilang paghahanda sa nalalapit na holiday season

MMDA, puspusan ang clearing operations bilang paghahanda sa nalalapit na holiday season

PUSPUSAN ang isinasagawang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ay upang lumuwag ang mga kalsada dahil sa inaasahang pagsisikip nito ngayong papalapit na ang holiday season.

Ayon sa MMDA, regular na nagsasagawa ang MMDA Task Force Special Operations ng clearing operations para alisin ang mga nakakasagabal sa kalsada ng Metro Manila.

Binigyan naman ng violation ticket o hinahatak ang mga iligal na nakaparadang sasakyan, maliit man o malaki.

 

Follow SMNI News on Twitter