MMDA, tuluy-tuloy ang kampanya  para sa smoke-free Metro Manila

MMDA, tuluy-tuloy ang kampanya  para sa smoke-free Metro Manila

TULUY-tuloy ang kampanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa smoke-free Metro Manila.

Ayon sa MMDA, naglalagay at nagkakabit ang mga tauhan ng ahensya ng mga No Smoking at No Vaping stickers sa mga pampublikong sasakyan.

Sa pamamagitan nito ay napapaalalahanan ang mga pasahero na bawal manigarilyo o kaya’y mag-vape sa mga PUVs alinsunod na rin sa Tobacco Regulation Act of 2003.

Katuwang ng MMDA ang lahat ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila para sa pagsusulong ng smoke-free environment policy.

Follow SMNI NEWS in Twitter