MMDA, umapela sa commuters sa pagdami ng basura sa mga pampublikong transportasyon

MMDA, umapela sa commuters sa pagdami ng basura sa mga pampublikong transportasyon

HINIKAYAT ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na maging responsable sa pagtatapon o pag-iwan ng kanilang basura sa mga hindi tamang tapunan.

Ito ay matapos, nakakolekta ng sako-sakong basura ang MMDA mula sa mga pampublikong transportasyon matapos ang pagdagsa ng mga pasahero sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Sa naging pahayag ni MMDA Task Force Special Operations Head Col. Bong Nebrija, naging maagap ang kanilang hanay sa paglilinis sa mga naiwang basura sa mga terminal maging sa mga kalsada.

Kung saan layunin nito na makaiwas sa pagbaha ng mga kalsada sa oras na magsimula na ang pag-ulan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter