OUT muna ng apat na linggo mula sa paglalaro ng basketball si Mo Bamba, ang bagong center ng Los Angeles Lakers.
Ito’y dahil nakapagtamo si Bamba ng high left ankle sprain mula sa isa sa kanilang mga laro.
Sa pagpapahinga ni Bamba ay maglalaro naman muli si D’angelo Russel para sa Lakers.
Inaasahang maging susi si Russel para makahakot pa ng maraming panalo ang Lakers kahit hindi muna makapaglalaro sa ngayon para sa koponan si LeBron James.
Bago sa pagbalik na ito ni Russel ay nauna na rin itong nakapagtamo ng ankle sprain.