POSIBLENG gaganapin sa MOA Arena, Pasay City o sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City ang 2025 FIVB Men’s World Championship.
Kasunod ito sa pagkapanalo ng bansa sa bidding bilang host country ng naturang volleyball event.
Inaasahang nasa 32 koponan ang tutungo sa Pilipinas sa Setyembre 12 hanggang 28, 2025 para maglaro.
Ito na rin ang muling pagbabalik-laro ng Team Pilipinas simula noong 1974 Edition ng kompetisyon sa Tehran, Iran.