MOA para pasiglahin ang turismo sa insurgency-free communities, nilagdaan

MOA para pasiglahin ang turismo sa insurgency-free communities, nilagdaan

PARA pasiglahin ang turismo sa insurgency-free communities sa Mindanao ay nilagdaan ng Department of National Defense (DND), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang memorandum of agreement (MOA).

Pinangunahan ito nina DND Undersecretary Angelito de Leon na nagsilbing kinatawan ni DND OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., DOT Secretary Christina Garcia Frasco at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Zamboanga City.

Ang nasabing MOA ay naaayon sa policy framework ng RA 9593 (Tourism Act of 2009).

Sa mensahe ni Galvez, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kasunduan na muling pinagtitibay ang pangako ng DND na pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng bansa habang sinusuportahan ang social at economic development.

Nangako naman si Abalos na titiyakin nito na may sapat na seguridad ang pulisya sa tourist destinations.

Samantala, naniniwala si Frasco na ang pagtutulungan ng tatlong kagawaran ay isang malaking hakbang sa pagtuklas ng potential tourism opportunities sa Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter