MOA signing sa pagitan ng DHSUD at mga LGU kaugnay sa “Pambansang Pabahay” ni PBBM, higit 100 na

MOA signing sa pagitan ng DHSUD at mga LGU kaugnay sa “Pambansang Pabahay” ni PBBM, higit 100 na

IBINAHAGI ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na umabot na sa 123 memorandum of agreements (MOA) ang nalagdaan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan (LGU) sa bansa.

Ito ay may kaugnayan sa implementasyon ng “Pambansang Pabahay” program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang paglagda sa MOU ay ang panimulang hakbang sa pag-proseso ng 4PH Program para sa pagtatayo at pagbibigay ng abot-kaya, accessible, at ligtas na pabahay para sa mga kwalipikadong benipisyaryo partikular na ang mga low-income families.

Ipinunto rin ni DHSUD Secretary Rizalino Acuzar na ang proyekto ay magbibigay ng mas maraming trade at economics activities sa mga LGU at magbubukas ng trabaho sa mga Pilipino.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga MOU na lalagdaan sa pagitan ng mga local chief executive habang nagpapatuloy ang 4PH Program.

Matatandaang, ang naturang proyekto ay isang flagship housing program ni Pangulong Marcos na layong makabuo ng 6 na milyong units sa loob ng 6 na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter