Mobile palengke, inilunsad para sa mga Pasigueño

INILUNSAD ngayong araw itong tinatawag na “Pasig Mobile Palengke” na kung saan ang palengke na ang lalapit sa mga Pasigueno.

Posted by Vico Sotto on Monday, 23 March 2020

Ayon kay Architect Carlo Martinez, isa sa mga incharge nitong Mobile Palengke, paraan ito para hindi na mahirapan pang mamalengke ang mga Pasigueno na malayo ang mga tirahan mula sa mga pangunahing pamiĺihan tulad ng Pasig Mega Market.

Sa ngayon ay bawal na rin sa Pasig ang mga tricycle na maaring gamiting transportasyon sa pagpunta sa mga pamilihan.

Ang mobile palengke ay para malimitahan ang dami ng mga mamimili sa mga pamilihan.

Ang Mobile Palengke ay pupunta kada umaga at hapon sa mga selected zone sa pasig kung saan dala ng mga vendor ang ibat ibang paninda tulad ng bigas, prutas, karne, manok at isda.

Ayon kay Martinez, nagsimula ang konseptong ito  mula sa Mobile Kitchen sa lungsod na kung saan hinahatiran  nito ng pagkain ang mga frontliners tulad ng mga health workers at uniformed personnels na nakadeploy sa iba’t-ibang bahagi ng Pasig City para sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Nilinaw naman ni Martinez na sa kabila ng may mobile palengke ay mananatiling bukas ang mga pangunahing pamilihan tulad ng Pasig Mega Market pero kung dati rati ay bukas ang palengke mula 6:00AM-10:00PM ay magbubukas lamang ang palengke mula 6:00AM hanggang 5:00PM.

Ulat ni: Margot Gonzales 

Leave a Reply

Your email address will not be published.