GCash, highly-recommended ng mga Pilipino

GCash, highly-recommended ng mga Pilipino

AYON sa isang pag-aaral ay highly-recommended at trusted brand ng mga Pilipino ang mobile payments service na GCash.

Batay sa business management consultant na Bain and Company, 92 porsiyento ang net promoter score nila noong Disyembre 2023.

Ayon sa report, pinaka na-appreciate ng mga Pilipino sa GCash ang pagiging kapaki-pakinabang nito; pagiging mabilis gamitin; natitiyak ang seguridad at maganda nitong customer service.

Sa Pahayag 2023 second quarter survey, ang GCash din ang nangunguna sa financial services category.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble