INILUNSAD ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Mobile Police Outpost sa PITX sa Brgy. Tambo sa Parañaque City.
Sa panayam sinabi ni NCRPO spokesperson P/Col. Dexter Versola ang naturang mobile outpost ay proyekto ni NCRPO Chief PBGen. Jonnel Estomo na naglalayong paigtingin ang pagbabantay sa mga mamamayan.
Ayon din sa opisyal, ber months na ngayon at higit na kailangan ang police visibility lalo na sa Metro Manila.
Maari ding mailipat ang police mobile outpost sa mga lugar kung saan may mga isinasagawang operasyon ang mga tauhan PNP.