POSIBLENG sa ikalawang linggo ng Enero sa susunod na taon isasagawa ang mock elections para sa midterm polls.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, para mangyari ito ay tinatarget nila na matapos ang lahat na dapat ihanda bago matapos ang buwan ng Disyembre.
Kaugnay nito, nauna nang inanunsiyo ng COMELEC ang listahan ng mga aprubadong lugar kung saan isasagawa ang mock elections.
Ang mga ito ay ang Pateros, Taguig City, at Makati city Para Sa National Capital Region.
Sa Cordillera Administrative Region ay ang Bontoc at Sagada, Mountain Province.
Sa region IV-A ay ang Antipolo at Jala-Jala, Rizal.
Sa Region VIII ay ang Borongan City at Lawaan sa Eastern Samar.
Sa Caraga ay ang Surigao at ang Placer, Surigao del Norte.
Pikit at Old Kabacan, North Cotabato naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang Jolo at Patikul, Sulu sa Region 9.
Ang mock elections ay isang uri ng eleksiyon para sa educational demonstration lalong-lalo na sa first-time voters para magkaroon sila ng overview sa electoral procedures.