Moderna, magtatayo ng vaccine laboratory sa Melbourne

Moderna, magtatayo ng vaccine laboratory sa Melbourne

PUMIRMA ang American pharmaceutical company na Moderna ng kasunduan kasama ang gobyerno ng Australia para magtayo ng vaccine manufacturing facility sa Melbourne.

Pinuri ni Prime Minister Albanese ang bagong kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Australia at Moderna na magtatatag ng kauna-unahang mRNA vaccine facility sa Southern Hemisphere.

Ang kauna-unahang mRNA vaccine facility sa sa Southern Hemisphere ay itatayo sa Monash University sa Victoria.

Sa ilalim ng 10 taon na kasunduan na ito, ang pasilidad ay gagawa ng 100 milyong vaccine dose bawat taon sa Australia.

Kabilang sa mga bakunang ito ang respiratory vaccine para sa posibleng pandemya sa hinaharap maging ang infuenza, COVID-19 at respiratory syncytial virus.

Bilang karagdagan, ang Moderna ay nagtatrabaho rin sa pinaghalong COVID-19 at influenza vaccine.

Ayon kay Albanese, tinuruan ng pandemya ang mga Australian na maging mas resilient at maging self-reliant.

Ang konstruksyon ng laboratoryo ay magsisimula sa katapusan ng taon at inaasahan na magiging operational sa taong 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter