MOH, sinusubaybayan ang mga batang tumigil sa pagbabakuna sa panahon ng pandemya

MOH, sinusubaybayan ang mga batang tumigil sa pagbabakuna sa panahon ng pandemya

SINUSUBAYBAYAN ngayon ng Ministry of Health (MOH) ang mga kaso ng mga sanggol o bata na huminto sa pagbabakuna noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Health Minister Datuk Dr. Noor Azmik Ghazali, ang naantalang pagbabakuna sa mga bata ay maaring muling i-iskedyul.

Aniya, ang epekto ng COVID-19 pandemic ay naging sanhi ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nabakunahan sa mga health clinics sa ilalim ng National Immunization Program.

Mayroong 11 uri ng bakuna na ibinibigay ang MOH upang maiwasan ang 13 sakit tulad ng tuberculosis, hepatitis B, polio, tetanus, measles, mumps, and rubella.

Bukod pa rito, magsasagawa ang MOH ng immunization tour upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga bakuna at pagbabakuna.

Samantala, nakikipagtulungan ang Sabah Health Department sa iba pang ahensya sa pagbabakuna sa mga bata.

Follow SMNI NEWS in Twitter