Moira dela Torre, most-streamed Pinoy solo artist sa isang music platform

Moira dela Torre, most-streamed Pinoy solo artist sa isang music platform

SI Moira dela Torre ang kauna-unahang solo artist at Pinay singer na nakaabot ng dalawang bilyong streams sa music platform na Spotify.

Ibinahagi ito ng singer sa kaniyang social media account.

Hindi naman shocking ang record dahil sa nakalipas na anim na taon, namamayagpag na si Moira sa Spotify dahil nasa 3.5 million ang average monthly listeners nito.

Sikat si Moira sa mga kanta tulad ng “Malaya”, “Patawad”, “Hanggang sa Huli”, “Paubaya” at marami pang iba.

Kasalukuyan namang nasa world tour si Moira.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble