“Moment of Silence”, inialay ng Palasyo para sa 7 nasawing sundalo

INILAGAY ng Palasyo ang Moment of Silence para sa pitong nasawing sundalo sanhi nang bumagsak na sinasakyang helicopter sa Bukidnon.

Ito ay isinagawa sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa malacañang.

Sa kabila nito, nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa naiwang pamilya ng mga sundalo.

Kaugnay nito, gagawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu ang mga nasabing fallen heroes.

“Nagsabi ang pangulo na gagawaran niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga nasawi bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan,” ayon sa Palasyo.

Matatandaang, nagpahayag ng interes ang pangulo na puntahan nang personal ang labi ng mga nasawing sundalo ngunit naihatid na ito sa kani-kanilang pamilya.

Nangako ang pangulo na magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga naiwang pamilya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.