Monaco Grand Prix, tuloy ngayong Mayo— Monaco Minister

Monaco Grand Prix, tuloy ngayong Mayo— Monaco Minister

MATAPOS kanselahin noong nakaraang taon dahil sa pandemya, matutuloy na rin ngayong buwan ng Mayo ang Monaco Grand Prix na itinuturing na most iconic race sa Formula One calendar.

Ayon kay Monaco Minister of State Pierre Dartout, papayagan ang nasa 7,500 katao na manood ng karera sa kondisyon na magpapakita ng negatibong resulta ng PCR test ng COVID-19 na hindi hihigit sa 72 oras bago dumalo sa kaganapan lalo na sa mga magmumula sa ibang bansa.

Pinayagan ng Bahrain ang 4,500 na manood at dumalo sa season-opening race sa Monaco Grand Prix sa katapusan ng Marso, ngunit bukas lamang ito sa mga nabakunahan na o naka-recover mula sa COVID-19.

Bahrain allowed 4,500 spectators to attend the season-opening race at the end of March, but it was open only to those who had been vaccinated against or recovered from COVID-19.

Gaganapin ang karera ngayong Mayo a-bente tres kung saan nasa 4,000 tickets na ang naibenta.

Papayagan naman ng organizer ang tatlong libong katao na manonood para sa kanilang pag-eensayo tuwing Biyernes.

SMNI NEWS