PINALALAKAS pa ng Pilipinas ang monitoring efforts laban sa banta ng terorismo kasunod ng abiso ng Japan na posibleng pag-atake sa bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang nakikita ang militar na anumang indikasyon ng posibleng terror attack.
Ayon kay Lorenzana, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Japanese counterparts para kumuha ng mga detalye ukol sa nasabing intelligence report.
Sinabi rin ng kalihim na mayroon ang pamahalaan ng Anti-Terrorism Council na nakikipag-ugnayan at kumukuha ng lahat ng impormasyon ukol sa posibleng terror acts.
Nito lamang Martes nang kumpirmahin ng embahada ng Japan sa Maynila na nakatanggap ang kanilang gobyerno ng impormasyon sa posibleng terror acts o suicide bombing sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas.
Dahil dito, pinayuhan ng foreign ministry ng Japan ang kanilang mga mamamayan sa nasabing mga bansa na umiwas sa mga religious facilities at mga matataong lugar.
BASAHIN: Impormasyon sa posibleng terror attack sa bansa, wala pang basehan —AFP