Monitoring ng EDSA busway, nasa ilalim na ng BMDS ng MMDA

Monitoring ng EDSA busway, nasa ilalim na ng BMDS ng MMDA

NASA ilalim na ng Bus Management and Dispatch System (BMDS) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang monitoring ng EDSA busway.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) sa isang advisory, nakatutulong ito para mas maayos na mapamahalaan ang daloy ng mga bus.

Mababawasan din nito ang kasikipan sa daanan.

Mas maayos din na mai-monitor ang drivers ayon sa DOTr dahil mas madali na ang pag-scan ng QR codes nila ng mga nai-deploy na MMDA officers sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa Monumento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter