Monitoring sa mga kasundaluhan upang ‘di magamit bilang private army, palalakasin ng AFP

Monitoring sa mga kasundaluhan upang ‘di magamit bilang private army, palalakasin ng AFP

MAS palalakasin pa ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang monitoring sa mga kasundaluhan lalo na doon sa wala na sa serbisyo upang hindi magamit sa ilegal na gawain.

Kamakailan ay uminit sa Senado ang usapin patungkol sa private armed groups (PAGs) na umano’y ginagamit at pinopondohan ng ilang mga politiko para sa kanilang mga sariling interes.

Dahil dito, nais ng ilang mga senador na patawan ng parusang kamatayan ang mga pulis at sundalo na mapatutunayang ginagamit sa ilegal na gawain ng isang politiko bilang private security o private army.

Kaya bilang tugon sa panawagan ng mga mambabatas na tapusin ang ganitong gawain.

Inihayag ng AFP na mas palalakasin pa nito ang kanilang counter intelligent capabilities.

Ayon kay Col. Medel Aguilar tagapagsalita ng AFP na ang nasabing hakbang ay upang mamonitor ang mga sundalo lalo na ang mga wala na sa serbisyo na hindi magamit ang kanilang kakayahan sa ilegal na mga aktibidad.

 “On our part, we strengthen our counter intelligent capabilities to make sure we can still monitor those who have special skills, so that they don’t hired for illegal activities. So ‘yun po ang commitment, ‘yun ang aksyon na ginagawa ng ating kasundaluhan para atleast maiwasan na natin ‘yung mga ganung pangyayari,” ayon kay Col. Medel Aguilar Spokesperson, AFP.

Ngunit nilinaw ng AFP na hindi saklaw sa trabaho nila ang law enforcement aniya ang Philippine National Police (PNP) ang may kakayahan sa pagpapatupad ng batas kaya kung mayroong namonitor ang pulisya na private army at banta sa seguridad ay handa naman aniya ang AFP na tumulong sa kapulisan kung kinakailangan.

“When it comes in dealing with private armed groups, we always provide support to the PNP. So, whenever they call us, we see a threat then we provide a necessary augmentation that’s the process, we follow because in the conduct of law enforcement operations it is the PNP that is most capable and they have also the capability but when they need out support, that’s the time that we re-enforce,” dagdag ni Aguilar.

Sa ngayon ay kasalukuyang minomonitor ng PNP ang 48 PAGs na pinangangambahang maaring ideploy sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP Public Information Office chief PBGen. Redrico Maranan na ang mga nabanggit na private armed groups ay namonitor sa mga lugar gaya ng Central Luzon, Bicol, Western Visayas at CARAGA.

Kabilang din sa binabantayan ay ang Cordillera Administrative Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ngayon sinabi ni Aguilar na nakahanda na ang buong kasundaluhan sa iba’t ibang rehiyon dito sa bansa upang magbigay ng seguridad sa nalalapit na halalan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter