Moral ng PNP, bumaba dahil sa pagkakasangkot ng ilang opisyal sa nasabat na 990 kilos ng shabu sa Maynila

Moral ng PNP, bumaba dahil sa pagkakasangkot ng ilang opisyal sa nasabat na 990 kilos ng shabu sa Maynila

BUMABA ang moral ng hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inamin ni PNP Director for Investigation Police Major General Eliseo Cruz kasunod ng isyu sa pagkakadawit ng ilang PNP officials sa nasabat na 990 kilos na shabu noong nakaraang taon sa lungsod ng Maynila.

Sa isinagawang press briefing noong araw ng Linggo, inihayag ni Cruz na ito’y sa kabila ng kanilang pag-iingat at pagsusumikap na marating ang kanilang estado sa ngayon.

Gayunman, panawagan ni Cruz sa mga kapwa pulis na patuloy lang sa kanilang pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter