Moratorium sa pagbabayad ng utang, ipinatupad ng DA-ACPC

IPINATUPAD na ng Department of Agriculture (DA) Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ang isang taong suspension sa pagbabayad sa mga programang pautang sa mga magsasaka at mangingisda.

Aabot sa 77,375 na magsasaka at mangingisda ang inaasahang makikinabang sa isang taong moratorium.

Layon nito na matulungan ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ang ani at kita dulot ng pagdami ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dahil umano sa ipinairal na “enhanced community quarantine” sa buong Luzon,hindi na nila mai-benta ang kanilang mga produkto kaya’t nalugi ang mga ito.

Nasa P2.3-Billion ang kabuuan ng pautang sa ilalim ng mga programa ng DA-ACPC ang makakasama sa nasabing moratorium.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.