Most wanted na si dating Congressman Ruben Ecleo, Jr., naaresto na

Most wanted na si dating Congressman Ruben Ecleo, Jr., naaresto na

WoodProfit

MATAPOS ang isinagawang surveillance, naaresto ng pulisya si dating Congressman Ruben Ecleo Jr. at isa pang kasamahan sa operasyon sa San Fernando, Pampanga, kaninang 4:30 ng umaga.

 

Sa ulat ni NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, inaresto si Ecleo sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 3 (E) ng RA 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” na inilabas ng 1st Division Sandiganbayan.

 

Habang hinuli rin ang driver ni Ecleo na si Benjie Relacion Fernan alyas Smile para sa paglabag sa Section 1 (C) ng PD 1829 o “Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders.”

PHOTO JOB

Nabatid na si Ecleo ang number 1 sa most wanted list ng DILG at may patong na P2 milyon.

 

Dinadala na ang dalawa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.