Most wanted ng Taal, Batangas, huli sa operasyon

Most wanted ng Taal, Batangas, huli sa operasyon

NAARESTO ng mga awtoridad ang most wanted person ng Taal, Batangas.

Ito ay matapos ang isinagawang operasyon sa Poblacion 1 Naujan, Oriental Mindoro.

Kinilala ni Police Colonel Pedro Soliba, provincial director ng Batangas Police ang akusado na si Louie Marcellana, 27 taong gulang at tubong Taal, Batangas.

Matagumpay na naisilbi ng mga tauhan ng Taal Municipal Police Station ang warrant of arrest kay Marcellana para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa istasyon ng pulisya sa Taal para sa proper disposition.

Follow SMNI NEWS in Twitter