Most wanted VIP security, arestado sa Maguindanao del Norte

Most wanted VIP security, arestado sa Maguindanao del Norte

NAARESTO ng awtoridad ang most wanted VIP security sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat, Jr. ang suspek na si Arjay Ardas Castillo, 27-taong gulang at nahaharap sa kasong murder.

Si Castillo ay nahuli kasunod ng pagpapatupad ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Cotabato City.

Itinuturing siyang pangunahing suspek sa pagpatay kay Sharif Sinsuat noong May 22, 2022 sa Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Napag-alaman na si Castillo ay No. 5 Most Wanted Person sa Maguindanao Norte at No. 1 Most Wanted Person sa Datu Odin Sinsuat.

Habang miyembro din ito ng Ameril Drug Syndicate na sangkot sa drug pushing at trading sa Cotabato City, Datu Odin Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, at iba pang kalapit na munisipalidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter