Motorcade at caravan, sa weekend lang pwede – MMDA

Motorcade at caravan, sa weekend lang pwede – MMDA

SA pagsisimula ng lokal na kampanya ngayong araw, ipinagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng caravan at motorcade tuwing weekdays sa mga pangunahing kalsada.

Muling ipinaalala sa mga kandidato na bawal ang mga motorcade, campaign caravans sa Metro Manila tuwing weekdays o mula Lunes hanggang Biyernes.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, hindi na sila nag-iissue ng permit tuwing weekdays upang hindi maabala ang mga pumapasok sa trabaho.

Dagdag ni Artes na hindi sila magbibigay ng higit sa isang permit sa iisang lugar.

Pinapayuhan rin ang mga lokal na kandidato na makipag-ugnayan sa mga kanya-kanyang mga LGUs.

Umaapela rin ang Palasyo sa lahat ng kandidato at sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa health at safety protocols na itinatakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagdaraos ng kampanya.

Nagpaalala naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga government vehicle para sa pangangampanya.

Follow SMNI News on Twitter