BUONG suporta at tiwala ang ipinakita ng mga taga-suporta ni Pastor Apollo Quiboloy sa kaniyang pagtakbo bilang senador.
Isang motorcade ang naganap sa Digos City, mula Cogon, Aplaya, Dawis, Balutakay, Rizal Avenue, LYR, Tres de Mayo hanggang Mati.
Nagsama-sama silang ipinakita ang kanilang pananalig at pagtitiwala sa kaniyang pangako ng pagbabago para sa Pilipinas.
Ito ay isang malakas na mensahe na umaasa sa isang lider na may malinis na puso at matatag na paninindigan.