Motorcade ni Mayor Isko sa Caloocan na binawian ng permit, kulang ng requirements – Caloocan LGU

Motorcade ni Mayor Isko sa Caloocan na binawian ng permit, kulang ng requirements – Caloocan LGU

HINDI natuloy ang motorcade ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Mayor Isko Moreno sa Caloocan makaraang bawiin ang permit na kanilang inisyu para sa nasabing aktibidad.

Sa pahayag ni Caloocan City Administrator Oliver Hernandez, napilitan silang bawiin ang permit dahil kulang ang requirements ng kampo ni Moreno kabilang ang application sa MMDA dahil dadaan ang motorcade sa mga major road sa lungsod at pinabulaanan din ang akusasyon na local politics ang dahilan.

Napag alaman na Pebrero 28 ng umaga nang isyuhan ng permit ni Hernandez ang kampo ni Mayor Moreno para sa motorcade subalit binawi rin kinagabihan.

Sinabi ni Hernandez batay sa isinumiteng ruta ng motorcade ng representative ng partido na si Carlo Religioso, dadaan ang kanilang caravan sa C-3 at EDSA na parehong nasa ilalim ng hurisdiksyon ng MMDA.

Tiniyak din nito na handang magbigay ng permit ang lungsod sa kahit sinong kampo basta kumpleto ang requirements at masusunod ang mga guidelines ng pamahalaang lokal at nasyunal.

Mababatid na sinabi ng kampo ni Moreno na dahil umano sa pulitika ang pagbawi sa kanilang permit.

Follow SMNI NEWS on Twitter