Motorcade para kay FPRRD ikinasa sa Baguio City

Motorcade para kay FPRRD ikinasa sa Baguio City

ISANG motorcade ang isinagawa sa Baguio City ng mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pinangunahan ang parada ng Igorot Warrior International.

Idinaan ito sa pagbusina ng mga sasakyan bilang pagkondena sa ginawang pag-aresto sa dating presidente, na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands, dahil sa kasong crimes against humanity.

Naniniwala ang grupo na ginawa lamang ni Duterte ang kaniyang tungkulin para sa katahimikan at kaayusan ng Pilipinas, kung saan milyun-milyong Pilipino anila ang nakinabang sa maayos na pamamahala niya noon.

Nagsimula ang parada alas-8:00 ng umaga, Marso 13, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble