Motorista, maaari nang bayaran ang multa nito sa Landbank portal

Motorista, maaari nang bayaran ang multa nito sa Landbank portal

MAAARI nang bayaran ng mga motorista na may multa sa ilalim ng single ticketing system sa Metro Manila sa pamamagitan ng link.biz.portal ng Land Bank of the Philippines.

Ang single ticketing system ay nauna nang ipinatupad sa lungsod ng Caloocan, Manila, Muntinlupa, San Juan, Parañaque, Valenzuela at Quezon City na sinimulan noong Mayo 2.

Sinabi ng Landbank na nakakonekta na ang single ticketing system sa mga sumusunod na lokal na pamahalaan sa web page ng link.bizportal nito.

Maaari ding gamitin ng mga motorista ang account nito sa banknet o paygate participating banks, at iba pang e-wallets.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter