GINAGAMIT ng isang motorista ang EDSA busway ng 309 beses simula Agosto 2024 hanggang Hunyo 13, 2025.
Ibinunyag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahit na hindi awtorisado ang motorista na gumamit nito.
Madalas na ginagawa ito ng motorista tuwing gabi sa pag-aakala na hindi siya mahuhuli dahil sa poor visibility ng mga camera at kawalan ng enforcer kapag madilim na.
Iyon nga lang, dahil kababalik pa lang ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP), nasa P150K lang ang babayaran nitong multa.
Ito’y para sa siyam na beses niya na paglabag na naitala mula nang ibalik ang NCAP.
Inireklamo na ng MMDA ang motorista sa Land Transportation Office (LTO) at hiniling ang pagbawi ng lisensiya.
Ang mga awtorisadong sasakyan na dumaan sa EDSA busway ay ang emergency vehicles gaya ng ambulansiya at rescue vehicles.
Ang mga sasakyan ng pulis at bombero ay maaari ding dumaan sa EDSA busway kung may emergency.