Motorista, pinayuhan ng MMDA na iwasan ang pagbiyahe sa Ortigas Area sa Mandaluyong

Motorista, pinayuhan ng MMDA na iwasan ang pagbiyahe sa Ortigas Area sa Mandaluyong

PINAPAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang pagdaan sa Ortigas Area sa Mandaluyong City.

Ito ay kasunod ng pagsasagawa ng 55th Asian Development Bank (ADB) Annual Meeting na tatagal hanggang Setyembre 30.

Payo rin ng MMDA sa mga ito na planuhin ang kanilang mga biyahe dahil posibleng makararanans ng traffic disruption sa kahabaan ng EDSA (mula Magallanes hanggang Ortigas), Julia Vargas, ADB Avenue, San Miguel Avenue, Guadix Drive, Bank Drive, at Saint Francis Street sa tuwing dumadaan ang convoy ng mga delegado.

Nakadeploy naman ang ahensya ng 500 personnel katuwang ang Philippine National Police, Mandaluyong, at Pasig local government units, at ng security forces ng Ortigas Center para mag-asiste at magmando ng trapiko sa mga ADB dedicated-routes.

Follow SMNI NEWS in Twitter