MOU sa defense cooperation ng Pilipinas at Canada, isinusulong

MOU sa defense cooperation ng Pilipinas at Canada, isinusulong

ISINUSULONG ng Pilipinas at Canada ang konklusyon ng Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation.

Ito ay kasunod ng pulong nina Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr. at Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ang MOU ang magsisilbing framework ng dalawang bansa para sa pagpapahusay ng interoperability at pagbuo ng mga kinakailangang kakayahan sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad ng rehiyon.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Galvez sa patuloy na paglago ng ugnayan ng Pilipinas at Canada na ipagdiriwang ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations sa 2024.

Kasabay nito, iminungkahi ni Galvez na palakasin ng dalawang bansa ang pagtutulungan sa larangan ng cybersecurity.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter