MP Promotions, pinabulaanan na binayaran ng Team Donaire si Jade Bornea para mag-“give way”

MP Promotions, pinabulaanan na binayaran ng Team Donaire si Jade Bornea para mag-“give way”

PINABULAANAN ng MP Promotions ang napaulat na binayaran ng Team Nonito Donaire ang kapwa Pinoy boxer na si Jade Bornea para pagbigyan itong makalaban si Argentine Boxer Fernando Martinez.

Ang laban ay para sa IBF World Super Flyweight Title.

Ayon kay MP Promotions President Sean Gibbons, walang ganitong negosasyon na nangyayari at kahit pa kung magkakatotoo ito, hindi rin naman sila papayag na hindi matuloy ang laban ni Bornea at Martinez.

Ang Bornea-Martinez boxing fight ay nakatakdang isagawa sa unang quarter ng 2023 at si Gibbons ng MP Promotions ang kumakatawan kay Bornea.

 

Follow SMNI News on Twitter