‘Mrs. Sibuyas’ absent na naman sa pagdinig sa Kamara

‘Mrs. Sibuyas’ absent na naman sa pagdinig sa Kamara

LUMIBAN muli sa pagdalo sa motu propio investigation ng House Committee on Agriculture si Leah Cruz o ang tinaguriang si ‘Mrs. Sibuyas.’

Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga, chair ng komite, nagpadala ng liham si Cruz na hindi ito makakapunta dahil kailangan niyang personal na humarap sa Sandiganbayan para sa kinahaharap na kaso.

Kasama ni Cruz ang isang Ernesto Francisco ng YOM Trading sa pagtungo sa Sandiganbayan kaya’t hindi rin ito makapupunta sa hearing.

Para matiyak na dadalo na sa susunod na pagdinig ay ipina-subpoena ng komite sina Cruz at Francisco.

Matatandaan na laging nadadawit ang pangalan ni ‘Mrs. Sibuyas’ sa isyu ng onion smuggling buhat nang magkaroon ng imbestigasyon dito noong 2014 sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter