‘Mrs. Sibuyas’ inisnab ang pagdinig ng Kamara

‘Mrs. Sibuyas’ inisnab ang pagdinig ng Kamara

INISNAB ni Lilia ‘Leah’ Cruz na tinaguriang ‘Mrs. Sibuyas’ ang pagdinig ngayong araw ng House Committee on Agriculture and Food.

Si Mrs. Sibuyas ay kabilang sa resource persons sa motu propio investigation ng komite sa isyu ng onion smuggling.

Paliwanag ng legal counsel ni Cruz, huli na nang matanggap nila ang advisory na may hearing ngayong araw bagay na pinasinungalingan ni Agriculture and Food panel Chairman Mark Enverga.

Ayon naman sa kampo ni Cruz, wala ito sa hearing dahil sa ‘equally important commitments’ rason na ikinagalit ng mga mambabatas.

Saad ni Cavite Rep. Pidi Barzaga, mas may mahalaga pa ba sa pagdalo ni Mrs. Sibuyas sa House inquiry ang iba nitong mga schedule?

Binantaan naman ni Barzaga ang kampo ni Mrs. Sibuyas na ayusin at bigyan ng bigat ang imbestigasyon ng Kamara.

Nais din ni Barzaga na malaman ang eksaktong ‘whereabouts’ o kung anong event o ganap ang ipinagpalit ni Mrs. Sibuyas sa pagliban nito sa imbestigasyon.

Binigyan naman ang kampo ng isang oras para makuha ang lahat ng paliwanag na hinahanap ng mga kongresista.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter