BALIK-normal na ang operasyon ng MRT-3 ngayong araw, Setyembre 26.
Sa kasalukuyan, nasa 14 na 3-car CKD trains ang tumatakbo sa mainline at handang magsakay ng mga pasahero.
Mababatid na nag-implement ang MRT ng adjusted train service nitong linggo kasunod na maisailalim sa Signal Number 4 ang ilang lugar sa Metro Manila dulot ng Super Typhoon Karding.
Mahigpit namang binabantayan ng MRT-3 ang sitwasyon ng panahon at iba pang epekto nito sa operasyon.
Ang unang biyahe sa North Avenue ay 4:36 am at 5:18 am naman sa Taft Avenue habang huling biyahe sa North Avenue ay 9:30 pm at 10:11 pm naman sa Taft Avenue.