MRT-3 GM Rodolfo Garcia at MRT-3 Director Capati, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Rodolfo Garcia at MRT-3 Director Michael Capati.

Kinumpirma ito mismo ni Department of Transporation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Ayon kay Tugade, kasalukuyan ngayong nasa ICU si Garcia habang gumagaling na si Capati.

Ani Tugade, pinag-uusapan pa kung magsususpendi ng operasyon ang MRT-3.

Gayunman, sa ngayon aniya ay hindi pa kinakailangan ito dahil na-contained ang infections sa isang specific sector.

Bumuo na rin ang DOTr rail sector ng pool of personnel na magbibigay tulong sa mga rail line na mangangailangan ng manpower sakaling magkaroon ng outbreak ng infections.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.