LIMITADO ang bilang ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT) sa pagbabalik-operasyon ng mga ito ngayong araw, Marso 5.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), patuloy pang sumailalim sa COVID-19 test ang mga tauhan ng tren.
(BASAHIN: Duterte at DOTr, pinasinayahan ang 2 tranport infra project ng Dumaguete)
Suspendido naman hanggang Abril 8 ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ayon sa inanunsyo ng opisina nito.
“Health, safety, and the security of the travelling public and our working people are “non-negotiable,” ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.
Nasa limitadong 10 hanggang 12 bilang ng tren ang ididispatsa ng MRT ayon sa ahensiya.
Limitado rin ang kapasidad sa mga tren sa 372 bawat trainset upang masunod ang bilang ng mga pasahero sa bawat istasyon.
Magsilbing alternatibo ng mga apektadong komyuter ang mga augmentation bus na tatakbo sa EDSA Carousel route sa mga MRT station ng North Avenue, Quezon Avenue, GMA Kamuning, Santolan, Ortigas, at Guadalupe.
Samantala, ang LRT-2 ay magdispatsa ng limang tren at ang mga apektadong pasahero ay maaaring sumakay ng bus route 9 (Cubao-Antipolo) at 10 (Cubao-Manila, Sta. Mesa, Sampaloc, Sta. Cruz).
Ididispatsa naman ng LRT-1 ang 17 tren nito. Ang mga apektadong pasahero ay maaaring sumakay sa mga bus ng Route 17 (Monumento-Edsa).
Magbabalik-operasyon ang PNR sa Abril 9 na may sampu hanggang labindalawang tren.
Inatasan ni Tugade ang sektor ng tren na ilagay sa isolation ang mga tauhang may aktibong kaso ng COVID-19 o nananatiling naghihintay ng kanilang resulta sa test.
Hindi pahintulutan ang mga ito na makapasok sa mga pasilidad ng tren at railway kabilang din ang pinagbabawal ang mga close contact ng mga ito.
Magpatutupad na ang lahat ng pasilidad at tren ng MRT-3, LRT-1, at LRT-2 ng mas pinaigting na health measures upang proteksyonan ang kalusugan ng mga rail personnel at mga pasahero.