MRT-3, magpapatuloy ang libreng random antigen testing hanggang Enero 31

MRT-3, magpapatuloy ang libreng random antigen testing hanggang Enero 31

MAGPAPATULOY ang libreng random antigen testing na isinasagawa ng pamunuan ng MRT-3 sa mga boluntaryong pasahero nito.

Ayon sa MRT-3, tatagal ang antigen testing nila hanggang Enero 31.

Ito’y bilang tugon ng rail line sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Magbibigay naman ng libreng sakay ang MRT-3 sa pasaherong papayag sa test at magnenegatibo ang resulta nito.

Hindi naman pasasakayin sa tren ang magpositibo at aabisuhan na agad na magself-isolate at makipag-ugnayan sa kanilang local government unit (LGU) para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.

Isinasagawa ang antigen testing sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue tuwing peak hours mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter